top of page

GABAY

GABAY SA TAMANG PROCESO NG MGA BREEDER AT ITLOG

Sa pag-aalaga ng mga manok, pabu, bibi, itik at ibapa, at pagpapa incubate ng mga itlog kadalasan hindi ito nabibigyang pansin ng mga nag aalaga, sa akala natin kapag nangitlog na ang alagain at pina incubate na ang mga itlog ito ay tama na, at kadalasan kapag ang nagiging resulta ay ang mababang percentage na napisa o walang napisa, ay naiisip natin na alin ang may problema ang hatchery ba? layunin po namin ang makatulong upang malaman po natin ang tamang proceso at ito ang ilang mga gabay.

 

1.) BREEDER - Sa mga breeder siguraduhin natin ang kanilang magandang kondisyon o ang kanilang kalusugan bago sila isalang, mas mainam na tayo po ay gagamit ng materyalis na hindi lalagpas sa dalawang taon mahigit pa, kadalasan sa ganitong edad ay humihina na ang kanilang similya, marami ang hindi nagfefertile, at kung makakapag fertile man maraming lalabas na mahina sa mga sisiw o kadalasan hindi sila nakakalabas sa shell sa panahon ng pagpipisa, dahil sa mahinang similyang nakuha sa mga parents, maari naman silang gamitin kahit may edad na pero doble lamang ang pag condition sa kanila at asahan natin na hindi na gaanong maganda ang magiging resulta, mas mainam na gumamit tayo ng breeder na nasa edad sampung buwan pataas na hindi lalagpas sa dalwang taon. Huwag rin tayo gagamit ng mga materyales na wala pa sa tamang edad, kadalasan hindi pa gaano malakas ang kanilang similya. Huwag natin tipirin sa dapat na nutrition na kanilang makukuha sa vitamina at feeds o pellets, dahil dito nila makukuha ang tamang sustansya, protina, calcium at iba pang sangkap na kanilang kailangan habang sila ay nangingitlog at sa pagpapalakas ng kanilang katawan, gumamit tayo ng layer feeds o layer pellets at vitamina na nakapag papalakas ng kanilang similya, kung tama ang kanilang nutrition at vitmina ito ang maipapasa nila sa kanilang magiging itlog at sisiw, ang resulta mataas na percentage, kaya dapat nasa tamang pag aalaga at pagpapakain ang ibigay sa mga breeder. Kung maari ay bigyan rin natin sila ng tamang pagpapailaw sa gabi kailangan ng nangitngitlog  ang 16 oras na daylight kada araw, mula 6 am to 10 pm, pagsapit  ng dilim dapat sila ay may ilaw na hangang 10 pm pagkatapos off na ang ilaw, ito  ay nakakatulong upang magkaroon ng magandang development ang kanilang mga itlog at upang magtuloy-tuloy ang kanilang pangingitlog araw-araw, Huwag ibabad ang broodcock sa mga inahin upang makapagipon ng tamang dami at magandang similya na maililipat sa mga inahin sa panahon ng pagkasta, sa umaga at hapon sa oras ng pagpapakain doon lamang isali ang broodcock sa mga inahin pagkatapos makapag kasta muli itong ihiwalay sa mga inahin.

 

2.) EGG COLLECTION – Sa panahon na pangingitlog ng inahin ugaliing kolektahin agad ang itlog, upang maiwasan ang kontaminasyon sa bacteria ang itlog at upang ito ay mapanatiling malinis, agad natin punasan sa tuyong basahan ang bagong itlog na nakolekta upang hindi na dumikit ang dumi na nang-galing sa pugad o sa lupa, Huwag mag ipon ng itlog sa pugad kadalasan ito ang nagiging dahilan ng maraming pagkasira o pagkabugok, dahil kada mangitlog ang inahin nalilimlaman ang mga naunang itlog, at ito ay umuiinit sa temperature na 99.5F at dito nagsisimula ang fertilization ng itlog, at pagkatapos mangitlog ng inahin ito ay bababa galing sa pugad ang temperatura ng itlog ay lalamig at bababa, dito nagsisimula ang pagkamatay ng similya dahil nabitin sa init na galing sa inahin, kadalasan sa tagal ng oras na hindi ito nalilimliman ang mga itlog na nagfertile ay unti-unti namamatay ang similya at mapapansin sa loob ng ilang araw ang yoke sa loob ng itlog ay nababasag na at nasisira, ang mga huling itlog sila ang nagfefertile at napipisa sa panahon na lumimlim na ang inahin o kapag ito ay pina incubate na. Kaya napakahalaga ng proper egg koleksyon araw araw at para maiwasan rin sa itlog ang pabago-bagong temperature ng ating panahon.

 

3.) EGG STORING – Pagkatapos kolektahin ang itlog ang susunod na dapat gawin ay ang egg storing, mas mainam na ilagay ang itlog sa pinaka ilalim ng refrigerator sa ibabaw ng vegetables container na meroong temperature na 50-55F, kada kolekta sa itlog ibalot sa jaryo o tissue bawat isa, at ito ay ilagay sa tray na karton o ang commercial tray na 12 pcs. upang nakatayo ang itlog at mapreserve na mabuti ang similya ugaliing ang matulis ng itlog ang nasa ibabaw, huwag ilagay na nakahiga ang itlog upang hindi dumakit ang yoke sa shell, pwedi magtagal ng dalawang linggo o labing apat na araw ang itlog kapag nasa loob refrigerator, subalit kung walang refrigerator pwedi ilagay sa malamig na lugar ang mga itlog at pwedi lang magtagal ng isang linggo o pitong araw at dapat na itong ipaincubate. I rotate o ibaligtad ang itlog na nasa tray kada ikatlong araw upang magiba ang position ng yoke, Kapag ang itlog na nasa refregerator ay naka takda ng ipaincubate bago ito ibyahe ilabas sa refrigerator at tangalin ang pagkabalot sa jaryo o tissue, kapag nag moist pweding punusan dahan dahan sa tissue o tuyong basahan upang agad matuyo at maiwasan sa bacteria ang mga itlog, mas patuyuin pa sa loob ng kalahati o isang oras sa electric fan, kung ang itlog ay marumi huwag hugasan ng tubig magiging dahilan ito ng pagpasok ng tubig sa loob ng itlog, gamiting pang linis ang moist o basa ng itlog gamit ang tissue o tuyung basahan, mas mainam na panlinis ang moist ng itlog kaysa basain sa tubig na galing sa gripo, kapag ito ay tuluyan  ng natuyo ma-aari ng ibyahi patungo sa hatchery ang mga itlog na ipapa-incubate. Maari rin tayong gumamit ng apa ng palay, kusot, at pinagpunit-punit na papel kapag ito ay ibabyahi na patungo sa hatchery, gumamit ng karton o plastic at lagyan ng apa o kusot at ibaon ang mga itlog na magkakahiwalay upang maging ligtas ang yoke ng itlog sa mahabang byahi o lubak-lubak na madadanan, Ang pag-salang sa itlog ay nakatakda kinabukasan ng umaga dahil may mga proceso pa na dapat gawin sa mga itlog,  nagtatagal ang itlog sa loob ng setter incubator ng 18 days plus 3 days sa hatcher incubator para naman sa panahon ng pagpipisa, umaabot ng 21 days ang egg incubation, at ika 22 days ng umaga ang araw ng pagkuha sa mga napisang sisiw.

 

Ito  ang tamang proceso na dapat nating malaman at tandaan upang tayo ay makakuha ng mataas na percentage sa mga itlog at makakuha ng maraming sisiw. Sapagkat ang bawat itlog ay napakaselan kaya nasa mga nag aalaga rin ang susi upang makamtan natin ang hangad natin na makakuha ng maraming sisiw, kayat laging tandaan “TAMANG PAG-AALAGA NG BREEDER + TAMANG EGG KOLESYON + TAMANG EGG STORING = MARAMING FERTILE AT MARAMING SISIW.”    

© 2023 by Name of Site. Proudly created with Wix.com

  • Facebook App Icon
  • Twitter App Icon
  • Google+ App Icon
bottom of page